Job 17

1Ang aking espiritu ay naubos, at ang aking mga araw ay tapos na; handa na ang libingan para sa akin. 2Tunay nga na mayroong mangungutyang kasama ko; lagi ko dapat makita ang kanilang pagtatangka. 3Ibigay ngayon ang isang pangako, maging isang tagapanagot para sa akin sa iyong sarili; sino pa roon ang tutulong sa akin?

4Dahil sa iyo, O Diyos, iningatan mo ang kanilang mga puso na maunawaan ito; kaya, hindi mo sila maitatas nang higit sa akin. 5Siyang bumabatikos sa kaniyang mga kaibigan para sa isang gantimpala, sa mata ng kaniyang mga anak ay hindi magtatagumpay.

6Pero ginawa niya akong isang usap-usapan ng mga tao; dinuraan nila ang aking mukha. 7Malabo na rin ang aking mata dahil sa kalungkutan; payat na ang buong katawan ko gaya ng mga anino. 8Sinisindak nito ang mga matutuwid; ang inosente ay ginugulo ang kaniyang sarili laban sa taong hindi maka-diyos.

9Nag-iingat ang taong matuwid sa kaniyang landas; siyang may malinis na mga kamay ay lalakas nang lalakas. 10Pero para sa inyong lahat, halika ka ngayon; hindi ako makakakita ng matalinong tao sa kalagitnaan ninyo.

11Lumipas na ang mga araw ko, tapos na ang mga plano ko, kahit ang mga kahilingan ng aking puso. 12Ang mga taong ito, ang mga mangungutya, pinalitan ang gabi ng araw; ang liwanag, sinabi nila, malapit na sa kadiliman.

13Nang tumingin ako sa sheol bilang aking tahanan; mula nang lumaganap ang aking higaan sa kadiliman; 14mula nang sinabi ko sa hukay, ‘ikaw ang aking ama,’ at sa uod, ‘ikaw ang aking ina o aking kapatid na babae,’ 15nasaan na ngayon ang aking pag-asa?, dahil sa aking pag-asa, sinong makakakita ng anuman? Ang pag-asa ba ay bababa sa tarangkahan ng sheol kapag kami ay pumanaog sa alabok?

16

Copyright information for TglULB